KASAMA pala sa movie ng balik-loveteam nina Vilma Santos and Christopher de Leon na “When I Meet You In Tokyo” ang GenZ loveteam na sina Darren Espanto at Cassy Legaspi.
Sabi nga ni Ate Vi, parang nakikita niya ang dalawang youngstar na future Vilma-Boyet tandem.
Payo niya sa rumored young couple, na ayaw namang umamin kahit pinipiga na ni Jun Lalin sa kanilang estado, ay laging jsipin na mabuti ang ginagawa.
Pasok na MMFF entry ang WIMYIT kaya asahang sasakay ng float sina Vi-Boyet at Darren -Cassy.