DAPAT na matutunan ng bansa ang mga aral na makukuha sa nagaganap ngayong Russian-Ukraine armed conflict hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kung hind maging sa pang seguridad.
Ito ang naging pahayag kahapon ni Army commanding General Ltgen Romeo Brawner hinggil sa nagaganap na digmaan s apagitan ng Russia at Ukraine
Were trying to learn from this conflict , ani Ltgen Brawner katunayan nakita nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang seryoso, dedicated at bihasang military reserve force
Ayon kay Brawner , malinaw na nakikita s amga kaganap kung paano nahihirapan ang Russia sa binibigay na depensa ng mga sibilyan na sinanay sa mga pakikidig gaya ng mga babaeng snipers na aktibo nagdedepensa sa kanilang bayan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng “Strong reseve force” kaya sa kanyang pansariling opinion ay pabor siya sa pagpapairal ng mandatory o kaya voluntary military training sa mga kabataan gaya sa Korea para maikintal sa isipan ng kabataan ang kahandaan na ipagtanggol ang bayan sakaling dumating ang pagkakataon.
Ayon pa kay Brawner, maging ang kanyang counterpart sa U.S Army ay nagsabing sila man ay nanonood sa mga kaganapan upang alamai8n ang mga makabagong armas na ginagamit ngayon .
Kinumpirma rin ni Ltgen Brawner nagsasagawa sila ng paghahanda sakaling kailanganin ng ibang ahnesiya ng gobyerno o ng mga Filipino citizens ang tulong ng military.Were preparing from any eventuality.
Bumoto ang Pilipinas na pabor sa resolusyon ng United Nations General Assembly na kumokondena sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Sa special emergency session ng UN General Assembly, umapela ang delegasyon ng Pilipinas na protektahan ang mga sibilyan at igitil na ang labanan.
Bago nito, nagdesisyon ang Russia na i-veto ang security council resolution na kumokondena sa kanilang pananakop at ang panawagan na umatras na ang kanilang mga sundalo na nasa Ukraine.
Ito ang unang UN General Assembly Emergency special session na isinagawa mula noong 1982. (VICTOR BALDEMOR)