Latest News

Dalawang vintage bomb, natagpuan sa antique collection

By: Carl Angelo

Dalawang vintage bomb na 81 mm cartridges na nakahalo sa antique collection ng kanyang namayapang ama ang natagpuan ng isang lalaki kahapon ng tanghali sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sampaloc,Maynila.

Ayon sa Manila Police District -Police Station 4, nadiskubre ni Marvin Clark Orias y Moreno,nasa hustong edad at residente ng 977 Maria Cristina St. , Sampaloc, Ang Vintage bomb habang naglilinis ng kanilang bahay sa bunton ng antique collection ng kanyang namayapang ama,alas -12:30 ng tanghali.

Kinuha umano ito ni Orias at isinuko sa kanilang barangay na siya namang tumawag sa España Police Community Precinct.


Kaagad naman itong itinawag sa District Explosive and Canine Unit (DECU) para sa tamang disposal ng nasabing bomba.


Tags: Manila Police District-Police Station 4

You May Also Like

Most Read