Dalawang vendor ang areastado kahapon ng madaling araw sa Blk.8 Old site, Baseco Compound,Port Area,Maynila dahil sa pagbebenta umano ng shabu.
Nasa kustodiya ng Manila Police District -Station 13 ang mga suspek na sina Ison Legera, 30, ng Blk.8 Old site, Baseco Compound, Port Area, Maynila at Ricardo Regal, 33, ng
Blk.5 Old Site, Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Una riyan ay nakatanggap umano ng impormasyon ang MPD kaugnay sa iligal na aktibidad ng dalawa sa. lugar kaya ikinasa ang buy- bust operation, alas. 12:45 ng. madaling araw kung saan naaresto ang mga suspek sa aktong tinatanggap ang marked money.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang gramo ng shabu na may street value na P13,000 at isang 9mm na baril na. may kargang limang bala.
Kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at sa Sec. 5 at 11 Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.