Dalawang vendor, binoga, patay

Patay ang dalawang vendor nang pagbabarilin ng gunman na lulan ng motorsiklo, habang nagbubukas ng kanilang tindahan,kamakalawa ng umaga sa panulukan ng P.Gomez at Carriedo Streets sa Quiapo,Maynila.

Kinilala ni PLt.Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section, ang mga biktima na sina Jimmy Lingat, 52, ng Mataas na Lupa, Indang Cavite; at Marlon Tan, 42, ng Gonzalo Puyat Street, Quiapo. Sila ay masawi dahil sa tama ng mga bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.


Inilarawan naman ang suspek na nakasuot ng kulay green na helmet at green na jacket at nakasakay ng motorsiklo na mabilis na nakatakas.

Nabatid kay PLt.Col.Jonathan Villamor, Commander ng MPD- Police Station 3, na naganap ang insidente alas- 7:13 ng umaga sa nabanggit na.lugar.

Abala umano ang mga biktima sa pagbubukas ng kanilang stalls nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima.


Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng.pagpaslang sa mga biktima. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like