SA presidento bumagsak ang dalawang binatilyo na diumano ay nagtangkang tumangay sa isang “toktok” at sinaktan pa ang driver nito, kamakalawa ng umaga sa A.Soriano St. ,Intramuros, Maynila.
Ang dalawang menor de edad na inaresto ng isang security guard at itiurnover sa Manila Police District -Station 5 ay 17 at 16 anyos lamang at kapwa naninirahan sa Moriones, Tondo, Maynila.
Ayon sa MPD, naganap umano ang insidente sa harap ng Jollibee sa nabanggit na lugar,dakong alas 8:30 ng umaga.
Tinangka umano ng. mga suspek na agawin ang ‘Toktok’ ng biktimang si Prince Bernal y Suarez,22, Toktok driver at residente ng 340 A Soriano St., ,Brgy 656,Intramuros, Maynila.
Nakita umano ng guwardiyang si Jieward Bula y Baconaje ,28, nang subukanm pang saksakin ng mga suspek si Bernal kaya’t umakto ito na nagbunga sa pagkakadakip sa dalawang suspek.














