Dalawang sunog ang naganap sa Maynila, kung saan ang isa ay sa packaging area ng San Miguel Corporation (SMC) at ang isa ay may 10 bahay naman ang naabo sa glass factory kahapon ng umaga sa Maynila.
Ayon sa ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa glass factory sa loob ng SMC sa Delpan,Tondo,alas- 6 ng umaga na umabot sa unang alarma at idineklarang ‘fire under control’ alas- 7:52. ng umaga.
Samantala, nawalan ng bahay sa Delpan ang may 10 residente nang masunog ang 10- pintong apartment sa Bambang corner Kalimbas St., Sta Cruz, Maynila.
Sa ulat ng ng BFP, nagsimula ang sunog alas- 6:30 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire out’ alas -7:51 ng umaga .
Kaugnay nito, nabatid na may tatlong katao ang nagtamo ng mga paso at gasgas sa magkakaibang bahagi ng kanilang katawan dahil sa sunog. (Philip Reyes)














