Dalawang sunog ang halos magkasabay na naganap sa dalawang residential area sa magkahiwalay na lugar sa Maynila ,kahapon ng umaga.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection(BFP), alas- 11:03 ng umaga nang magsimula ang sunog sa mga kabahayan sa Tejeron corner Delpan Streets sa Sta Ana, Maynila.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay sumiklab naman ang sunog sa may Zobel Roxas Avenue, na nagsimula alas -11:18 ng umaga.
Kapwa idineklarang nasa ikatlong alarma na ang dalawang sunog pagsapit ng alas 11:30 ng umaga at wala ding inuulat na nasawi o nasugatan sa naganap na mga sunog.














