Latest News

DALAWANG RIDER, INARESTO NG NBI SA PAMBUBUGAW NG MGA MENOR DE EDAD

By: JANTZEN ALVIN

Arestado sa National Bureau of Investigation- Special Task Force(NBI-STF) ang dalawang rider na diumano ay sangkot sa paghahatid-sundo ng mga babaeng ibinubugaw para magbigay ng panandaliang-aliw sa mga parukyano nito online.

Ang mga nasagip ay pawang 15-anyos habang ang isa ay buntis pa at nakatakda sanang dalhin sa isang hotel sa Quezon City.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, modus operandi ng nasabing suspects ang pag-aalok sa social media ng mga babae at mamimili ang mga parukyano mula sa mga larawan na ipakikita sa kanila. Pagkatapos niyan ay ihahatid ng mga rider ang napili sa lugar kung saan naroon ang mga parukyano ay magpapanggap na mga masahista.

“Binu-book thru online, may extra service na P5,000. Nag-conduct ng surveilance at mayroon talagang sexual exploitation,” ani Atty. Renato Garbo ng NBI special task force.

Sinabi ng rider na mayroon silang group chat o GC at nakapila sila kung sino ang susundo at maghahatid sa mga babae.

Dinala sa Department of Social Welfare (DSWD) ang dalawang nasagip, habang pinaghahanap pa ng NBI ang iba pang sangkot sa sindikato.


Tags: National Bureau of Investigation - Special Task Force(NBI-STF)

You May Also Like

Most Read