Dalawang residential area sa magkahiwalay na lugar sa Maynila ang nasunog kahapon ng umaga.
Ayon sa report ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), unang nasunog ang residential area sa Elias Street, Sta. Cruz Maynila, alas-8:43 ng umaga. Umabot ito sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire out’ alas-10:01 ng umaga.
Samantala, alas-10:58 ng umaga naman nang sumiklab ang sinog sa residential area sa Chesa corner Laurel Streets sa Tondo, Maynila.
Napag-alaman na idineklarang ‘fire out’ ang ikalawang sunog alas -11:21 ng umaga.
Itinatayang nasa may 50 kabahayan ang natupok sa sunog at wala namang iniulat ang BFP na nasaktan o nasawi.
Patuloy pa ring iniimbestigahan ang sanhi ng mga sunog at halaga ng napinsalang ari-arian dahil dito.