Dalawang Pilipinong pari, itinalagang Bishop sa US at South Pacific

By: Carl Angelo

Itinalaga ni Pope Francis ang dalawang Pilipinong pari bilang Bishop sa Estados Unidos at South Pacific.

Nabatid sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na si Fr. Efren Esmilla, na ipinanganak sa Laguna, ay kabilang din sa tatlong paring itinalaga ng Santo Papa para maging auxiliary bishop ng Archdiocese of Philadelphia sa Pennsylvania.


Nagpahayag naman ng kasiyahan si Esmilla sa kanyang appointment at umaasa siya na ang archdiocese ay patuloy na lalaki at mas maraming mananampalataya ang maglilingkod sa.Panginoon.

Samantala, s Fr. Reynaldo Bunyi Getalado na tubong Muntinlupa City at miyembro ng the Missionary Society of the Philippines ang bagong bishop ng Diocese ng Rarotonga sa Cook Islands.

Papalitan ni Getalado si Bishop Paul Patrick Donoghue na sabot na sa mandatory retirement age na 75 sa Enero 2024.


Bago ang kanyang appointment, si Getalado ay missionary sa Mission Sui Iuris ng Funafuti, ang capital ng Tuvalu.


Tags: Pope Francis

You May Also Like