Latest News

DALAWANG PEKENG NBI AGENT, HULI SA PANGONGOTONG SA PERYAHAN

By: Baby Cuevas

DALAWANG lalaki na nagpapanggap bilang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na umiikot at nangongotong diumano sa peryahan ang dinakip sa isang entrapment operation.

Sina Timothy James Tibajia at William Ang ay dinakip sa isinagawang operasyon ng NBI noong Marso 26 sa Pulilan,Bulacan.

Ang operasyon ay batay sa reklamo mula sa NBI-CELRO na diumano, ang suspek na si Tibajia at ang kanyang kasama ay nagpapakilalang mga ahente ng NBI at nanghihingi umano ng pera sa operator ng isang peryahan.


Diumano, humingi ang mga suspek ng halagang P200,000 bilang protection money at kung hindi umano magbibigay ay ipasasara ang peryahan.

Nitong Marso 26, 2024 ay nagpunta ang mga ahente ng NBI sa napagkasunduang lugar at kaagad na inaresto si Tibajia, matapos nitong tanggapin ang marked money mula sa complainant.

Kumpiskado kay Tibajia ang isang NBI badge wallet, NBI security access pass at Glock19 Cal. 9mm pistol.

Lumitaw sa record ni Tibajia na mayroon itong warrant of arrest sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at carnapping.


Kasong extortion at usurpation of authority of official function at illegal possession of firearm ang isinampang kaso laban sa mga suspek sa Pulilan, Bulacan Prosecutor;s Office.

Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read