DALAWANG kasapi ng CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang napatay habang dalawang matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Army 4th Infantry Division kasunod ng inilunsad na focused military operation sa lalawigan ng Misamis Oriental at Surigao del Sur nitong Pebrero 11 at 12 lamang.
Unang nakasagupa ng mga tauhan ng 58th Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Christian Uy ang may siyam na na kasapi ng New People’s Army SRSDG MTG Eagles, SRC 1; North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa Sitio Kayagan, Brgy. Quezon Heights, Balingasag, Misamis Oriental.
Matapos ang ilang minutong bakbakan ay napaslang ang isang Miguel Sereño alias Eman/Zoren/Bestre, vice squad leader ng squad 1 ng nasabing CNT group at nabawi sa kanya ang isang Ingram machine pistol, detonating cord at blasting cap, backpack na may lamang personal belongings at assorted terrorist documents.
Kinabukasan ay nasabat naman ng mga tauhan ni Lieutenant Colonel Paulo Baylon, ang Commanding Officer ng 3rd Special Forces Battalion, ang grupo ng mga terorista sa ilalim ng Regional Operations Command (ROC) at Regional Sentro De Gravidad (RSDG) ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Brgy. Baucawe, Lianga, Surigao del Sur, kung saan namatay ang isang NPA at nakuha rito ang isang M60 machine gun at ibat- ibang CTG war materials.
“After our troops thoroughly scoured and cleared the area due to heavy blood stains at the encounter site, we discovered an abandoned female CNT cadaver initially identified as alias Sunshine, Medic of ROC, NEMRC. It is very unfortunate that another life had been wasted because of the continuous deceit of CTG,” ani Baylon.
“We call upon the remaining CTG leaders to stop exploiting innocent civilians for their senseless and violent agenda,” dagdag pa ni Baylon .
Ayon kay Major General Jose Maria R. Cuerpo II, Commander ng Army 4th Infantry Division: “These achievements demonstrate a substantial blow to the CTG’s abilities to carry out atrocities, particularly in vulnerable communities within our area of responsibility.”
“Nevertheless, we remain open and ready to embrace those who will choose to lay down their firearms and assure them of necessary assistance under the government’s E-CLIP,” panawagan pa ni MGe. Cuerpo.