DALAWANG mangingisdang sakay ng lumubog na fishing banca malapit sa karagatan sakop ng Barangay Santa Rita, Aplaya, Batangas City ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PGC).
Ayon sa Coast Guard Sub-Station Batangas City, alas- 7:10 ng umaga nang makita nila ang paglubog ng FBCA Cyrose sa nabanggit na lugar.
Kinilala ng PCG ang nasagip na sina Cryel Tilo at Kimwell de Guzman.
Nakita umano nila na nakahawak sa magkabilang bahagi ng banca ang dalawa nang masagip.
“It was revealed that they accidentally positioned themselves on one side of the banca while pulling their hook line to catch fish, causing the boat to capsize at around 7 a.m. of the same date,” ayon sa PCG.
Samantala, nasa maayos nang kondisyon ang mga mangingisda habang nahila na ring pabalik sa pampang ang kanilang bangkang pangisda.