DALAWANG HUMAN TRAFFICKERS, INIREKOMENDANG KASUHAN

By: Baby Cuevas

Inirekomenda ng San Fernando La Union Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng kasong paglabag sa “Section 4(a), Qualified by Section 6(c) of R.A. 9208 (Trafficking in Persons Act of 2003) laban sa dalawang katao na una nang inaresto sa pagbubugaw ng mga kababaihan sa isang club.

Sa ipinalabas na resolusyon, kinilala ng NBI ang dalawang pinakakasuhan na suna Gleve Viday at John Paolo Abunga na inaaresto noong Pebrero 6 sa isang entrapment operation sa San Fernando ,La Union.


Nag-ugat ang operasyon ng National Bureau of Investigation – Ilocos Regional Office (NBI-IRO) matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Project Rescue Children kaugnay sa umano’y human trafficking activities na ginagawa sa Joker Super Night Club sa San Fernando, La Union.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga ahente ng NBI-IRO na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nasagip rin ng mga operatiba ang walong kababaihan, kabilang ang isang menor de edad, kung saan itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kabataan.


Tags: National Bureau of Investigation – Ilocos Regional Office (NBI-IRO)

You May Also Like