Latest News

Pinrisinta nina BI spokesperon Dana Sandoval (nakaupo, kaliwa) at deputy spokesperson Dennis Mabulac ang dalawang 'Luffy Gang' members na dineport. (JERRY S. TAN)

DALAWANG HAPON NA ‘LUFFY GANG’ MEMBERS, DEPORTED NA – BI

By: Jerry S. Tan

Dalawang Japanese nationals na diumano’y miyembro ng ‘Luffy Gang’ ang pinatalsik na ng Bureau of Immigration (BI) mula sa Pilipinas.

Ang dalawang Hapon na ipina-deport ay kinilala na sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito dahil sa pagiging ‘undesirable aliens’ nang sila ay ipinrisinta nina BI spokesperon Dana Sandoval at deputy spokesperson Melvin Mabulac.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang dalawa ay umalis ng bansa patungong Tokyo, Japan kahapon ng umaga, lulan ng Japan Airlines flight.


Batay sa ulat ng BI, inihayag ng Japanese government na ang mga nasabing dayuhan ay ‘fugitives from justice’ dahil sa umano’y pagtatrabaho bilang ‘fraudulent callers’ para sa isang criminal group na nambibiktima ng sarili nilang mga kababayan.

Target rin sila ng arrest warrant na inisyu ng Tokyo Summary Court dahil sa pagiging bahagi ng isang large-scale telecom fraud group.

Ang mga naturang dayuhan ay kapwa miyembro din umano ng notorious na ‘Luffy group’, na sinasabing sangkot sa serye ng mga mararahas na krimen sa Japan.

Ayon kay Tansingco, taong 2019 nang magsimulang magtago sa Pilipinas ang dalawang Japanese nationals.


Gayunman, nang makatanggap ang BI ng impormasyon mula sa Japanese government ukol sa mga kasong kinakaharap ng dalawa taong 2023 ay kaagad na nagkasa ng ‘manhunt operation’ ang mga awtoridad laban sa mga ito.

Tags: Bureau of Immigration (BI)

You May Also Like

Most Read