Latest News

DALAWANG DAYUHAN, PATAY SA RIDING-IN-TANDEM HOLDUPPERS SA MAYNILA

By: Baby Cuevas

PATAY ang dalawang lalaking dayuhan nang holdapin ng dalawang naka-motorsiklong suspect sa Malate, Maynila nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Manila Police District (MPD) -homicide section, inaalam pa kung ano ang nationality ng dalawang biktima bagama’t kinokonsidera na maaring sila ay Koreano o Hapon.


Inilarawan ng pulisya ang isang biktima na nasa 30-35 anyos, 5’5″ ang taas at nakasuot ng itim na T-shirt, itim na shorts at sapatos at may tattoo na “Dragon” sa likod, habang ang isa pa ay itinatayang nasa 25-20 anyos, 5’4″ ang taas at nakasuot ng green T-shirt at puting sapatos at shorts.

Nagsasagawa ng backtracking at imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at matunton ang kinalalagyan ng dalawang suspect na lalaking armado ng baril at magka-angkas sa isang motorsiklong SkyDrive na may kombinasyong kulay na puti at asul.

Ang holdup ay naganap umano dakong 10:40 ng gabi sa Malvar Street sa harapan ng Sheraton Manila Bay na sakop ng Barangay 699 sa Malate, Maynila.


Kinuha umano ang sling bags ng mga biktima na naglalaman ng cash, cellular phones at iba pang kagamitan.

Batay sa kuha ng CCTV at impormasyon mula sa mga saksi, kasama umano ng mga biktima ang isang tour guide nang bumaba sila ng taxi at dito na nilapitan ng mga suspek na sakay ng iisang motorsiklo.


Isa sa suspek ang humablot ng bag habang ang isa ay walang habas na pinaputukan ang dalawang biktima na nasawi noon din.


Tags: Manila Police District (MPD)-Homicide Section

You May Also Like

Latest News