Latest News

DALAWANG CPP-NPA KADRE PATAY

DALAWANG hinihinalang Communist New Peoples Army kadre ang napatay sa naganap na sagupaan Miyerkoles sa bayan ng Jiabong, Samar.

Ayon sa Samar Police Provincial Office, nirespondehan ng mga sundalo at pulis ang natanggap na sumbong hinggil sa anim na na armadong tao na namataan sa Barangay Alejandria bandang alas-2 ng madaling araw.

Agad na tinungo ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Army at PNP ANG area subalit agad din umano silang sinalubong ng sunod-sunod na putok ng mga armado kaya gumanti ang mga ito.


Nasawi sa engkwentro ang dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army habang patuloy na tinutugis pa ang mga tumatakas nilang kasamahan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi upang mapagkalooban ng disenteng libing. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read