Dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naiulat na kabilang sa 11 nasawi sa sunog na naganap sa Binondo noong Biyernes.
Ang dalawang PCG personnel na nasawi ay kinilalang sina Apprentice Seaman (ASN) Ian Paul Fresado at ASN Mark Hernandez na kapwa umano nagbo-board sa nasabing gusali.
Napag-alaman na pito sa mga biktima ang isasailalim sa cremation. Siyam sa 11 ang natapos na ang pag-awtopsiya hatinggabi ng Agosto 2.
Posible umano na ngayong Lunes ay makukumpleto nang ma-proseso ang lahat ng mga bangkay para maiuwi na ng mga kaanak nila.
Kaugnay nito ay nagpaabot ng pakikidalamhati ang pamunuan at mga tauhan ng PCG sa pamilyang naiwan ng dalawang PCG personnel .
Ayon sa PCG, pansamantalang nagbo-board ang dalawa sa nasabing gusali na nasunog.
Sina Fresado and Hernandez ay miyembro ng Coast Guardsman Course (CGMC) Class 105, na nakatalaga sa Marine Environmental Protection Command (MEPCOM).
Samantala,nakipag ugnayan na rin si PCG spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo sa mga kaanak ng dalawang nasawi para ipaalam ang nangyari.