Dalawang Chinese nationals, arestado

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (PAMDO), Central Luzon Regional Office (CELRO) at International Operations Division (NBI-IOD) ang dalawang Chinese national dahil sa iligal na pag-detine sa 16 na indibidwal sa Angeles City ,Pampanga.

Kinilala ang mga inarestong Chinese nationals sina Huan Heng Su at De Long Wang, kapwa naka-base sa Angeles City .

Nag-ugat ang operasyon ng mga awtoridad matapos na magreklamo ang isang Pilipina na nobya ng isa sa nasabing Chinese nationals, na nagta-trabaho sa ‘scam hub’ at hindi pinapayagan na makalabas sa lugar.


Napag-alaman na ang biktima ay nagta- trabaho sa customer service sa Paranaque City pero inilipat sa Angeles City , Pampanga noong Oktubre 3,2023 kasama ang iba pang Chinese employee.

Nabatid pa na ang biktima ay pinagta-trabaho umano ng 18 oras kada araw at nang magpaalam na magre-resign na ay tumanggi ang mga suspek at pinagbantaan na ito-torture ito kapag nagpumilit.

Ikinasa ng NBI ang operasyon noong Nobyembre 21 at nang maaresto ang mga suspek ay positibo itong kinilala ng kanilang mga biktima na pumipigil sa kanila.

Sinampahan ng kasong serious illegal detention sa ilalim ng Article 267 ng RPC,ang mga suspek sa Angeles Prosecutors’ Office at itinurn-over sa Bureau of Immigration (BI) para sa kanilang deportation.


Tags: Central Luzon Regional Office (CELRO), National Bureau of Investigation – Pampanga District Office (PAMDO)

You May Also Like

Most Read