Dalawang Chinese nationals na ‘wanted’ umano sa kanilang bansa dahil sa kasong fraud at illegal gambling operations ang dinakip ng Bureau of Immigration-fugitive search unit (BI-FSU), habang isa pang Chinese national na umano ay ‘overstaying’ ang inaresto din sa parehong enforcement operations.
Ang dalawa ay kinilalang sina Jiang Yin, 31 at Li Chuang, 34. Ayon kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, sila ay hiwalay na nadakip gabi ng June 16 sa Parañaque City.
Ang operasyon umano ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Chinese authorities na siyang nagbigay ng intelligence information ukol sa kanilang mga krimen.
Sa naturang operasyon ukol kay Li, natagpuan din ng BI agents ang isa pang Chinese national na si Weixin, 32 na napatunayang nag overstay sa bansa at may hold-departure order.
Ayon kay Sy, sina Jiang at Li ay kapwa wanted ng Chinese police dahil sa pagiging sangkot sa large-scale fraud at iligal na operasyon ng online gambling activities gamit ang “Qianneng Wallet” application.
Sa imbestigasyon ng China, ang application ay pinatatakbo ng sindikato na nagre-recruit ng Chinese nationals upang humimok ng mga sasali sa illegal online gambling.
Nagsilbi umano ang dalawa bilang supervisors at markers na nagbibigay ng gambling credit at facilitation ng betting activities.
“Immigration records likewise showed that Jiang entered the Philippines in 2019 as a temporary visitor but failed to maintain a valid immigration status, rendering him an overstaying alien. Meanwhile, verification confirmed that Li was already the subject of existing BI blacklist and watchlist orders as an undesirable alien and fugitive from justice,” ani Sy.
Ang tatlong Chinese nationals ay dinala sa BI holding facility matapos ang booking at documentation procedures.
Sina Jiang at Li ay sasailalim sa deportation proceedings dahil sa pagiging fugitives from justice at bilang immigration violators,habang si Wang ay mahaharap sa immigration proceedings dahil sa pagiging overstaying alien.














