DALAWANG CARNAPPERS, ARESTADO SA MPD

By: Baby Cuevas

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 3 ang dalawang carnapper matapos nilang tangayin ang motorsiklo ng isang fast food crew Miyerkoles ng madaling araw sa Felix Huertas Street, Brgy.382, Sta. Cruz, Maynila.

Sa isinagawang back tracking, natukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek na sina Andrew Zshornack , 23, ng taga #1851 Calamba St. Brgy. 497, Sampaloc, Maynila; at Lawrence Tapia, 20, ng #1607 Laguna St. Sta.Cruz Maynila sa CCTV. Sila ay kapwa miyembro ng “Commando Gang.”


Ayon sa biktimang si Jolo Santos, 23, fast food crew at taga- Sta. Cruz Maynila, nawala ang kanyang motor na Honda Click na kulay itim alas- 3:20 ng madaling araw.

Nabatid sa record ng CCTV na nakita umano ng mga suspek ang nakaparadang motorsiklo na nakakabit pa ang susi sa ignition switch, kaya tinangay ni Zshornack ang motorsiklo.

Nakilala ang mga suspek sa CCTV kaya ikinasa ang follow-up operation, kung saan naaresto si Zshornack sa Laguna Street corner Rizal Avenue sa Sta. Cruz, habang si Tapia ay naaresto sa kanto ng Rizal Avenue at Blumentritt Street.


Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 10883 o new anti-carnapping act of 2016 ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 3

You May Also Like