Dalawang kabataang lalaki ang bumagsak sa kulungan matapos maaresto nang tangayin ang dalawang tangke ng LPG at kalan mula sa isang negosyante, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Naka-detine sa Manila Police District -Police Station 1 ang mga suspek na sina Jumbo Valle,19 at Edizon Cruz ,18 kapwa ng Upper Smokey Mountain, Cluster 5, Barangay 128, Tondo, Maynila.
Ayon sa biktimang si Hues Mathew Ong, 30 ,negosyante at residente ng 138 Nepa St, Barangay 137, Balut, Tondo, Maynila,.nasa kasarapan siya ng pagtulog nang makarinig ng ingay.
Nang tignan niya ang pinagmulan ng ingay ay nakita niya ang mga suspek na bitbit ang dalawang tangke ng LPG, kaya kaagad siyang humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang pulis .
Agad namang nagresponde ang.mga tauhan ng MPD. Inaresto nila ang mga suspek.at binawi ang mga tinangay na kagamitan ng mga ito.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 308 of RPC (theft) ang mga suspek sa Manila Prosecutor’s Office.














