Latest News

DALAWANG BIGTIME NA TULAK SA MAYNILA, NAHULIHAN NG PDEA NG P3.4 MILYONG SHABU

DALAWANG babae na sinasabing sangkot sa malakihang pagtutulak ng droga ang nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang entrapment operation sa isang fastfood restaurant sa Bustos Street sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa ng hapon.

Itinuturong sangkot ang dalawang suspek sa bultuhang pamamahagi at pagbebenta ng hinihinalang shabu sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ng Bulacan at Pampanga.

Nakuha mula sa dalawang suspek na kinilalang sina Ainnah Ali, 64 at Norhanna Salgan, 19, ng kapwa ng Brgy. 648 C Palanca Sr, St., San Miguel, ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,450,000.


Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, isang undercover agent ang nakakuha ng drug deal sa mga suspek para sa pagbebenta ng kalahating kilo ng shabu at nagkasundo na magkita sa harap ng isang food chain sa Sta. Cruz.

Inihahanda na ang pagsampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, Section 5 (sale of dangerous drugs) na kaugnay ng section 26B (conspiracy to sell drugs) ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

You May Also Like

Most Read