Dalawang babaeng ‘online’ bugaw, arestado sa NBI; limang menor de edad, nasagip

Arestado ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD), ang dalawang babaeng diumano ay bugaw habang nasagip naman ang limang menor de edad sa isinagawang operasyonkamakailan sa Taguig City.

Kinilala ng NBI ang mga inares to na sina Elisa Manansala,alyas Ate Buba at Laura Lee May Pascual ,alyas Ate Laura, na siyang nagbu-bugaw umano sa mga kabataan sa mga dayuhang parukyano on-line.


Nag-ugat ang operasyon ng NBI sa natanggap na impormasyon mula sa
City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Taguig kaugnay sa mga menor de edad na biktima ng online sexual exploitation.

Sinalakay ng mga ahente ng NBI ang lugar sa bisa ng dalawang Warrants to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng RTC Branch 271 ng Taguig City.

Nagtungo ang team ng NBI sa bahay ng mga suspek sa Sta Ana,Taguig city kung saan sila naaresto.


Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9208 as amended by RA 11862 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022) at RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation of Materials Act).

Sa pagsalakay ng NBI ay nakakuha ito ng drug paraphernalia sa bahay ni Navales.


Nabatid ma sa isinagawang drug test ay nag-positibo sa shabu si Navales.

Dinala naman sa Taguig Social Welfare ang.mga menor de edad. (Anthony Quindoy)


Tags: National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD)

You May Also Like