Latest News

DALAWA SA 3 NAPATAY NA TERORISTA, KINILALA NG MILITARY

By: Victor Baldemor Ruiz

Kinilala kahapon ng Philippine Army 8th Infantry Division ang dalawa sa tatlong miyembro ng communist New People’s Army (NPA) terror group na napatay sa nagAnap na sagupaan sa pagitan ng mga teroristang grupo at military sa Northern Samar.

Ayon kay Major Jefferson Mariano, Division Public Affairs Office chief, kinilala ng Army “Stormtroopers” Division ang dalawang napaslang sa nangyaring sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay San Jose, Mapanas, Northern Samar.

Kinilala ang mga ito na sina Ronnie Pajares alias Badora/Totoy, mula Eastern Samar at Edmon Oros alias Dalisay mula naman sa Brgy. Can Maria, Lapinig, Northern Samar.


Kapwa sila kasapi ng Team 2, Squad 1, na ‘remnants’ ng Front Committee 15, Sub-Regional Committee (SRC) Arctic, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC), habang kasalukuyan pang kinikilala ang bangkay ng ikatlong NPA na napatay din sa nasabing serye ng sagupaan.

Pawang nakalagak ngayon sa Gamay Northern Samar Funeral Homes ang mga bangkay para mabigyan ng disenteng libing ng kanilang mga kaanak.


Magugunitang kamakalawa ay limang engkuwentro ang naitala ng 8th ID kaugnay sa kanilang inilunsad na ‘focus military operation’ na layuning lipulin ang nalalabing NPA sa kanilang nasasakupan.

Nagpahatid naman ng kanyang pakikiramay si Major General Adonis Ariel Orio, pinuno ng 8th Infantry Division, sa pamilya ng mga nasawi kasunod ng panawagan na sana ay kalimutan na ang kanilang maling ideolohiya at yakapin ang alok na pagbabagong buhay sa ilalim ng Marcos administration.


“Once again, we appeal to the remaining CNTs to abandon the armed struggle. Let us avoid these unnecessary deaths caused by fighting for the twisted ideology of these terrorists. The government will never cease its operations against the remaining insurgents, so surrender while you still can,” ani Maj. Gen. Orio.

Tags: New People’s Army (NPA)

You May Also Like

Most Read