DALAWANG lalaki ang nasawi ng dahil sa Rido o alitan ng mga angkan habang isa pa ang malubhang nasugatan ng paulanan sila ng bala habang natutulog sa lalawigan ng Cotabato.
Sa ulat ng Cotabato PNP, sinalakay ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa Sitio Tubak Barangay Pagangan Aleosan Cotabato.
Base sa salaysay ni Guiaria Palencia kamag-anak ng mga biktima na pawing mga magsasaka, nilusob aumano sila ng isang grupo habang sila ay natutulog at pinagbabaril-patay ang kanyang anak at pamangkin habang isa ang nasugatan.
Akusa pa ng mga naulila na bago tumakas ay tinangay pa ng ng mga suspek pa ang kanilang pera na nagkakahalaga ng P60,000 na mula pa napagbentahan ng kanilang mais at isang M14 armalite rifle.
Agad namang rumesponde ang mga kamag anak ng mga biktima na mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngunit nakatakas na ang mga suspek.
Nananawagan ngayon ang mga residente sa Sitio Tubak sa mga kinauukulan na sana ay agad na maaksyunan ang nangyaring insidente upang hindi na dumanak pa ng dugo sa kanilang lugar. (VICTOR BALDEMOR)