Latest News

DALAWA, PATAY SA PAGSABOG; MILITAR AT PULIS, KUMIKILOS NA

By: Victor Baldemor Ruiz

Kumikilos ngayon ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police para tukuyin ang responsable sa naganap na pagsabog ng itinanim na improvised explosive device na ikinamatay ng dalawang tao sa isang construction site sa Las Navas, Northern Samar.

Sa ulat kasalukuyang pang nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang mga awtoridad higgil sa pagsabog na ikinasawi ng dalawang sibilyan dakong tanghali kamakalawa sa Brgy. Magsaysay, bayan ng Las Navas.

Kinilala ang mga napaslang na sina Rowel Lebeco, 32-anyos at Jerson Cabe, 29-anyos na kapwa construction worker.


Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat na lulan ng motorsiklo ang mga biktima at pagdating sa palikong bahagi ng kalsada,ay biglang sumabulat ang isang IED na hinihinalang sadyang itinanim sa gilid ng kalsada na ikinasawi ng dalawa.

Inaalam din ng military kung kagagawan ba ito ng mga nalalabing communist terrorist group sa lalawigan ng Samar.

Tags: Philippine Army, Philippine National Police

You May Also Like

Most Read