DALAWA PATAY, 2 MALUBHA SA NAG-COLLAPSED NA TULAY

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang dalawang construction workers habang lima pa ang sugatan at dalawa rito ang nasa malubhang kalagayan matapos na mag collapsed ang isang ginagawang tulay sa Davao City Lunes ng hapon.

Sa inisyal na ulat bumagsakan ang ginagawang tulay bandang alas 3;30 kamakalawa ng hapon sa Sitio Kibakak, Barangay Malamba, sa Marilog District, Davao City.


Ayon sa ibinigay na pahayag ni Dario Dispo, 42 anyos na siyang Foreman ng Bojus Sun Builders & Supply Corporation sampung katao ang nagtatrabaho nang maganap ang pag guho subalit pito sa mga ito ang na trap sa guho habang nagkakabit ng side panel gamit ang isang boom truck.

Sa pitong naipit ay namatay ang dalawang lalaki na kinilalang sina Jay Bangonan, 33 anyos na mason at Rolando Abing, taong gulang na piyon.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Kibalang Hospital ang dalawang grabeng nasaktan sa pagbagsak ng tulay na kinilalang sina Meljay Bero at Jonathan Dispo.


Umabot pa ng gabi ang rescue operation bago nakuha ang tatlong laborer nan a-trap at kinilalang sina Cris Napao, 44, isang mason mula Balusong, Matina, Davao City, Jimboy Liga, 28 anyos binata na siyang boom truck operator at residente ng Pagan Grande, Davao City, si Elmer Sayson, 44 taong gulang may asawa na foreman din sa construction site at residente ng Banay-Banay, Davao Oriental.


Tags: Bojus Sun Builders & Supply Corporation

You May Also Like

Most Read