DALAWA PANG SEKYU NI CONG. PULONG DUTERTE, KASAPI NG PAF

By: Victor Baldemor Ruiz

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na miyembro nila ang security detail na nakatalaga kay Davao City Rep. Paolo Duterte.

Subalit tiniyak at nilinaw ni AFP Public Affairs Office (PAO) Chief, Col. Xerxes Trinidad, ang security detail ng mambabatas ay aprubado ng Commission on Elections (Comelec) alinsunod na rin sa mga umiiral na panuntunan sa panahon ng halalan.

Ayon kay Col. Trinidad, gumagawa na sila ng hakbang para imbestigahan at beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga tauhan nitong nakatalaga sa mambabatas.


Sa lumabas na police report ng Davao City PNP ay kinilala ang dalawang sundalo na kapwa miyembro ng Philippine Air Force na kasalukuyang bineberipika kung kasama sa kumakalat na CCTV footage sa loob ng Hearsay Bar.

Makikipag-ugnayan din ang AFP sa Philippine National Police (PNP) at sa iba pang mga kinauukulang ahensya na nag-iimbestiga sa naturang kaso.


Kasunod nito, tiniyak din ni Trinidad na mananatiling propesyunal at disiplinado ang buong hanay ng Sandatahang Lakas.

Nabatid na maliban sa dalawang pulis, dalawang sundalo rin ang sinasabing mga nakatalagang security detail ni Duterte.


Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP)

You May Also Like

Most Read