Dalawa pang kaso ng monkeypox ang na-detect ng Department of Health (DOH) at local government units (LGUs) sa Metro Manila, kung saan napag-alaman na kapwa nagtataglay ng MPXV Clade II ang dalawang mpox carriers, na isang “mild” na anyo ng mpox virus .
Bunga niyan ay nasa 12 na ngayon ang bilang ng na-detect na mpox sa bansa mula noong Hulyo 2022.
Napaga-alaman na ng mpox case 11 ay isang 37-anyos na lalaki mula sa National Capital Region (NCR) at kinakitaan ng sintomas gaya ng rashes sa mukha,braso,hita,dibdib, palad at talampakan.
Ang pasyente ay walang exposure sa sinumang tao na may katulad na sintomas mula noong Agosto 20,2024 pero inamin nito na nagkaroon siya ng intimate skin-to-skin contact sa loob ng 21 araw bago lumabas sa kanya ang sintomas.
Ang nasabing pasyente ay ipina-admit sa isang government hospital noong Agosto 22, kung saan kinunan siya ng skin sample at ipinasuri sa DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at nanatili sa pagamutan, habang ang mpox case number 12 naman ay isang 32- anyos na lalaki na mula rin sa NCR.
Nagsimula siyang kakitaan ng sintomas noong Agosto 14,2024 at nakita sa kanyang balat ang pagtutubig (clear, fluid-filled vesicles) at sa singit at nilagnat din ito matapos ang ilang araw.
Inamin ng pasyente na nagkaroon siya ng close intimate at skin-to-skin sa isang sexual partner.
Sanhi ng.mga dumaraming sintomas ay nagpa- konsulta siya sa isang outpatient clinic at itinuring itong bacterial infection.
Gayunman, sa mga sumunod na araw ay nagkaroon na siya ng mga taghiyawat na parang sugat sa mukha,noo at anit kaya pinayuhan ito na magpakonsulta sa DOH, kung saan kinunan siya ng skin sample noong Agosto 23,1014 at pinayuhan na mag- home.isolation habang hinihintay ang resulta.
“We continue to see local transmission of mpox clade II here in the Philippines, in Metro Manila in particular. Mpox moves from skin-to-skin, both during sexual encounters and also other intimate forms of skin contact. It is not airborne,” payo ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.
“Avoid close, intimate, skin-to-skin contact so as not to get mpox. Wash hands with soap and water. Cover your skin. Our health system will continue to detect and protect,” dagdag pa nito.
Diumano, ang pangkaraniwang sintomas ng mpox ay “skin rash o mucosal lesions”, hanggang dalawa o apat linggo na may kasamang fever, headache, muscle aches, back pain, low energy at swollen lymph nodes o kulani.
Ayon sa DOH, sinuman ay maaring magkaroon ng mpox dahil ito ay nailipat sa tao sa pamamagitan ng close, intimate contact sa isang may impeksiyon.
Ang sabon at tubig ay maari umanong gamiting pamatay ng virus.