Latest News

DALAWA PANG COCAINE BRICKS, NAKITA SA DAGAT

KATATAPOS pa lamang ng kautusan ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva kamakalawa sa mga tauhan nito at maging sa local PNP units at mga elemento ng Philippine Marines at Navy na maging alerto dahil posibleng may mga madidiskubre pang cocaine bricks sa area ng Cagayan ay muling nakakuha ng tatlong bricks ang mga mangingisda sa lugar.

Kahapon ay dalawa pang bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang natagpuang inaanod sa tubig-dagat sa Aparri, Cagayan

Matapos makuha ang tatlong bricks ng cocaine na natagpuang lumulutang sa tubig-dagat sa pagitan ng Abulug at Ballesteros ng mga mangingisda kamakalawa dalawa pang brick na may katulad na marka ang narekober sa Barangay Fuga, Aparri Marso. 22, 2022


Sa report na sinumite kay DG Villanueva ni PDEA Region 2 Director Joel Plaza, ang dalawa pang bricks na ibinalot ng transparent tape at brown tape na may logo ng Columbian Football Team na may letra M at dalawang singsing na naglalaman na humigit-kumulang tatlong kilo ng droga at may street value na P15,900,000 ay resulta ng pagsuplong ng komunidad .

Ayon kay RD Plaza, ang pinaigting na information drive at public awareness campaign na ginawa ng PDEA RO II at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng “Comprehensive Anti-Illegal Drugs Plan” ay nagbubunga na.

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng serye ng Trends in Drug Smuggling at Coast Watch Seminar sa pakikipagtulungan ng PGC at PNP sa Lalawigan ng Cagayan sa mga mangingisda. at natuto.na sila sa mga kamalayan, upang ireport sa kinauukulan tulad ng mga barangay upang ipagbigay sa alam sa PDEA

Hinihikayat ni PLAZA ang komunidad na iulat sa mga awtoridad ang mga katulad na lalagyan na naglalaman ng cocaine na maaaring madala sa pampang o matagpuang lumulutang sa tubig-dagat hindi lamang sa Cagayan kundi sa buong Rehiyon. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read