Arestado ang dalawang hinihinalang biyahero ng marijuana nang masabat sila ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti- narcotics operation sa Brgy Betag, La Trinidad, Benguet .
Nasa 21 kilo ng pinatuyong marijuana leaves ang nakumpiska ng mga ahente ng PDEA mula sa dalawang suspek at nsamsam ang nakabalot na dried marijuana sa 21 piraso ng tubular na pakete at itinatayang nagkakahalaga na P560,000 at isang Tamaraw Fx na sasakyan .
Ang mga suspek na dalawang lalaking residente ng Kibungan at La Trinidad, Benguet at may edad na 31 at 44, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, na kilala rin bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.














