Latest News

DALAWA PATAY; 7,069 KATAO, APEKTADO KAY ‘MAYMAY’

DALAWANG katao ang inulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Maymay sa hilagang bahagi ng Luzon, ayon sa ulat na nakalap ng National Risk Reduction Management Council, habang tinatayang nasa 1,857 na pamilya naman o katumbas ng 7,069 na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Maymay.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga partikular sa area ng Cagayan Valley.

Nilinaw ng NDRRMC na kasalukuyan pa nilang bina-validate ang ulat hinggil sa dalawang tao na inulat na nasawi


Bagama’t kinumpirma na ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na dalawa ang nasawi sa Cagayan dahil sa Bagyong Maymay ay hindi pa ito nabeberipika ng NDRRMC

Itinatayang nasa 31 pamilya o katumbas ng 86 na indibidwal ang nasa evacuation center habang ang iba namang mga apektado ay nanunuluyan pansamantala sa kanilang mga kaanak.


Samantala, dahil hindi naman bumuhos nang todo ang ulan gaya ng inaasahan ay nagpasya ang NIA Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS) na magbawas na ng volume ng pinakakawalang tubig dahil patuloy ng bumababa ang level ng tubig sa dam.

“As of 5 a,m.today, October 13, 2022, the reservoir water level is 186.61 meters above sea level (MASL) against its spilling level of 190.00 MASL. The Magat Dam spillway gate opening will be reduced from 1 meter to 0.5 meter at 7 a.m. today, October 13, 2022, ayon sa inilabas na pahayag ng NIA.


Gayunman, patuloy pa ring nananawagan ang NIA management sa mga residenteng malapit sa Magat River na maging maingat at alerto sa mga posibleng pagbaha.

Samantala, sarado naman lahat ang mga rubber gates ng Bustos Dam simula kahapon ng madaling araw at nanatiling nasa 16.68 ang current reservoir elevation nito.

Tiniyak ni NIA Administrator Benny D. Antiporda sa publiko na manatiling naka alerto at nagseserbisyo ang kanilang ahensiya lalo na sa panahon ng “calamities and other natural disasters”. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: National Risk Reduction Management Council

You May Also Like

Most Read