Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD),ang dalawang indibiduwal na pasimuno ng iligal na loteng EZ-2 sa isinagawang operasyon kamakalawa ng gabi sa Gagalangin, Tondo, Maynila.
Kabilang sa inaresto sina Mario Santos, 66, ng 2719 Rosalina Street, Gagalangin, Brgy. 179, Tondo, Manila; at Helen Bere, 51, ng 730 Kalayaan Street, Brgy, 184, Dagupan, Tondo, Maynila.
Napag-alaman na ala- 8:55 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang bahay ni Santos matapos na makatanggap ng impormasyon na sangkot ito sa iligal na Loteng EZ-2.
Nasamsam ng mga tauhan ni PMajor Dave Garcia ng District Special Operation Unit (DSOU) kina Santos ang bet tickets, ballpens, notebook na may listahan ng pusta at cash na P450.
Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (lllegal Gambling – Loteng/EZ 2) as amended by R.A. 9287 sa Manila Prosecutors Office, ang mga suapek.














