DINAKIP ng pulisya sa Tondo, Maynila ang isang 40-anyos na Lalamove driver matapos ireklamo ng kanyang ngayon ay 18-anyos na anak na diumano ay may 13 taon na niyang ginagawang parausan at binuntis pa.
Kasama ng dalagita ang kanyang ina nang magharap ng pormal na reklamo laban sa kanyang ama na kinilala lamang na si ‘Domeng’.
Aniya, limang taon pa lamang siya nang sinimulan siyang molestiyahin ng kanyang ama at ang pinakahuling pangmo-molestiya na ginawa ng suspek ay nitong Agosto 18,2024 dakong alas- 3:30 ng madaling araw sa loob ng kanilang bahay, sa kabila ng anim na buwan siyang buntis na ang ama din ang sanhi.
Diumano, isinasagawa umano ng suspek ang panghahalay sa tuwing wala sa bahay ang ina ng biktima.
Nagmakaawa umano ang biktima sa ama na huwag na siyang halayin pero sinabihan umano nito ang biktima ng “isa na lang anak, pagkatapos nito ay aalis na ako at hindi na magpapakita”.
Ipinahid pa umano ng siuspek ang kanyang semen sa malaki nang tiyanng biktima.
Hindi na umano nakatiis pa ang biktima at isinumbong na sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ng ama.
Kasong paglabag sa RA 8353 o anti-rape law ang isinampa laban sa suspek sa Manila Prosecutors Office.














