Latest News

DALAGITA, NAGLAYAS, NAGAHASA

By: Baby Cuevas

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District -Police Station 9 ang isang 49- anyos na lalaki matapos umano nitong gahasain ang isang 17-anyos na dalagitang naglayas sa kanilang bahay, Martes ng hapon sa Malate, Maynila.

Sa reklamo ng biktima na taga- Bulacan, inalok umano siya ng suspek ng libreng pananghalian nang makita siyang gumagala sa Manila Korea Town sa may Remedios St., Malate, Maynila noong Setyembre 17 .

Dala ng gutom ay pinaunlakan ng biktima ang alok ng suspek na si Rommel Perez, ng J. Bocobo Street, Barangay 702, Malate, Maynila.


Nang matapos kumain ay niyaya ng suspek ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan sa 620 Interior 21 San Andres Street, Barangay 705, Malate, Maynila.

Sumama naman ang biktima sa suspek at pagpasok sa kuwarto ay ibinaba umano ng suspek ang kanyang pantalon, hinablot ang buhok ng biktima at puwersahang ipinasubo ang.kanyang ari.

Kasunod nito, iniutos umano ng suspek sa biktima na takpan ang kanyang bibig at huwag lumikha ng ingay at saka ito inihiga at pinagsamantalahan.

Kasunod niyan ay dinala ng suspek ang biktima sa Remedios Police Community Precinct at Itinurn-over ang biktima at saka umalis.


Nang makaalis ang suspek ay nagsumbong ang biktima sa mga pulis na siya ay pinagsamantalahan ng suspek.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kasama ang biktima at nagpunta sa pinagdalhan sa biktima na nagresulta ng pag-aresto sa suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong rape sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 9

You May Also Like

Most Read