Latest News

Dalaga, patay sa dishwashing liquid

Nasawi ang isang 19-anyos na dalaga matapos na uminom ng diswashing liquid sa loob ng comfort room,kamakalawa sa Quiapo, Maynila.

Hindi na naisalba sa Metropolitan Hospital ang biktimang si Ma.Francine , residente ng Standard Reality Building , Gunao St., Quiapo, Manila.

Sa imbestigasyon ni PSSg Irene Jay Manalili ng Manila Police District-homicide section,naganap umano ang insidente alas- 4:45 ng hapon sa comfort room ng tinutuluyan nilang gusali .


Ayon sa ama ng dalagita, narinig na lamang ang anak na nagsisisigaw sa loob ng banyo.

Kinatok ang pinto , pero hindi sumasagot ang biktima at nang gamitan ng duplicate na susi, nakitang nakahandusay ang biktima at nasa tabi nito ang isang bote ng diswashing liquid.


Isinugod ang biktima sa pagamutan pero alas-6:04 ng gabi nang ideklara itong patay.

Isinasailalim naman sa awtopsiya ang bangkay para matukoy kung ano ang ikinamatay nito.


Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung ano ang nagtulak sa biktima para magpakamatay. (Philip Reyes)

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read