Aabot sa dalawang million reservists ang madadagdag sa ‘reserve force’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kada taon sa oras na maging mandatoryo na muli ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).
Pahayag ito ni Major General Joel Alejandro Nacnac, Deputy Chief of Staff for Reservists and Retiree Affairs ng AFP kasabay ng pag-gunita ng National Reservists Week.
Ayon pa Kay General Nacnac, ang mga itinatayang bilang ng servicemen mula sa ROTC ay ibibilang na ‘standby reserve’. Ang ‘standby reserve’ ay pinapakilos lamang sa panahon ng national emergency o giyera habang ang tinatawag na “ready reservists” ay maaaring ipatawag sa anumang oras para maging augmentation sa regular forces.
Sa datos noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nasa 1.2 million ang miyembro ng AFP reserve force.
Ang mga ito ay binubuo ng 71,000 ready reservists, mahigit sa 15,000 affiliated units mula sa ibang mga organisasyon at institution at 1.1 milyong standby reservists.














