Latest News

Dahil sa pekeng yosi, P50-P100 bilyon na kita nawawala sa gobyerno — BIR

By: Jerry S. Tan

Umaabot sa P50 hanggang P100 bilyon, ang nawawalang kita sa pamahalaan dahil sa mga pekeng sigarilyo.

Ito ang ibinunyag ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr., kasunod ng pagsasampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ng P1.8 bilyon na 69 tax evasion cases laban sa mga illicit cigarette traders na nahuli sa isinagawang nationwide operation ng BIR mula noong Enero 25 , 2023 sa 15 revenue regions.

Inihayag pa ni Lumagui na Isang malaking sindikato ang nasa likod ng paggawa ng pekeng sigarilyo na ngayon ay tinututukan na ng BIR na hanapin ang mga suppliers.

Nabatid na meron umanong locally- produced at smuggled na sigarilyo na ipinapasok sa Zamboanga.

“Andito tayo ngayon sa DOJ para magsampa ng tax evasion cases regarding dito sa mga na raid natin na illicit traders ng sigarilyo. Kung matatandaan ninyo ay nag-raid tayo noong nakaraang January 25 at ngayon sinundan natin ng kaukulang kaso laban sa mga nahuli natin sa raid na ginawa natin para naman mapakita natin na seryoso tayo sa kampanya natin laban sa illicit cigarrette trades kasi sinisigurado namin na lahat ng n-araid namin, may kasong susunod nito para ma-realize ng mga illicit traders na sana ay tigilan nila ito dahil sisiguraduhin namin na pag nahuli kayo ay kaso ang kasunod nito,”ayon kay Lumagui.

Sinabi ni Lumagui, na dapat, bago magbenta ng sigarilyo ay bayad ang excise tax at may stamp na nakadikit sa pakete ng sigarilyo na katunayan na bayad ang buwis.

Nagbabala rin si Lumagui sa publiko na huwag bumili ng pekeng “yosi” dahil hindi alam kung ano ang inilagay sa loob na posibleng mapanganib sa kalusugan.

“Sa illiicit trades nasa P50-100 billion ang nawawala at ang masama pa nyan, imbes na napupunta sa ating healthcare services na makakatulong sa ating mamamayan o napupunta sa imprastraktura ang mga collection natin ay dito lang sa mga illicit traders napupunta ang kita, “dagdag pa ni Lumagui.

Nagbigay ng paniniyak si Lumagui na hindi titigil ang BIR sa paghabol sa mga iligal na cigarette traders na ito.

Tags: , ,

You May Also Like

Most Read