Latest News

DAHIL SA MIDTERM ELECTION, TERMINO NI GEN MARBIL, PALALAWIGIN

By: Victor Baldemor Ruiz

Dahil sa magaganap na May 12, 2025 midterm election ay posibleng palawigin pa ang termino ni Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil .

Ipinahiwatig ng Department of Interior and Local Government na posibleng pahabain pa ang termino ni Marbil bilang PNP chief ng hanggang apat na buwan.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, may mga indikasyon na mapalawig pa ang termino ni Marbil, bagamat wala pang inilalabas na pahayag mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


“From all indications, mae-extend siya but there is no official word yet from the president,” ani Remulla.

“That’s the biggest reason I think it’s the midterm elections dahil you cannot shake things up now, mag-uumpisa na yung campaign period din,” paliwanag pa ng kalihim.

Si Marbil , miyembro ng Philippine Military Academy Sambisig Class of 199, ay nahirang para pamunuan ang mahigit 220,000- strong PNP noong Abril 1, 2024 at inaasahang bababa sa kanyang pwesto sa darating na Pebrero 7, 2025 pagsapit nito sa kanyang mandatory retirement age na 56 anyos.

Isa sa mga pangunahing isinusulong ni Marbil ang professionalism sa kanilang hanay, paglilinis sa mga tiwali sa loob ng police organization at bloodless anti-drug campaign.


Sinasabing “unforgiving” para kay Marbil ang pagkakasangkot ng kapulisan sa katiwalian gaya ng ilang pulis na nadawit sa kontrobersyal na 990-kilo drug raid sa Maynila noong 2022.

Tags: Philippine National Police chief General Rommel Francisco Marbil

You May Also Like

Most Read