Patuloy ang isinasagawang damage assessment ng Office of Civil bunsod ng magkasunod na lindol na tumama sa ilang lugar sa Mindanao at Cagayan, kasunod ng naging pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na posibleng magkaroon pa ng malalakas na aftershock.
Unang niyanig ng magnitude 5.7 earthquake ang Dalupiri Island sa Cagayan bandang alas-11:35 bago magtanghali ng Miyerkules.
Unang inulat na magnitude 6.2 ang naitalang lindol bago ito ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.7, kung saan naramdaman ang pagyanig sa Calayan, Cagayan , habang intensity 4 naman sa Lacub, Abra; Adams, Bacarra, Bangui, Burgos, Carasi, Dumalneg, City of Laoag, Pagudpud, Pasuquin, San Nicolas, and Sarrat in Ilocos Norte; Peñablanca, Piat, Santo Niño, Solana, at Tuguegarao City.
Magnitude 6.4 naman na lindol ang tumama sa lalawigan ng Davao Occidental kamakalawa ng gabi, dahilan para suspendihin ng lokal na pamahalaan ang pasok sa trabaho at mga paaralan kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang tectonic earthquake alas-7:21 ng gabi na nagpa-uga sa Sarangani Island .
Sa ngayon, nangangalap pa ng mga impormasyon ang OCD-NDRRMC ukol sa posibleng pinsala matapos ang naganap na pagyanig sa naturang lugar
Dagdag ng PHIVOLCS, aasahan pa rin ang ilang mga aftershocks matapos ang nasabing malakas na pagyanig.
Pinasisiyasat ngayon ang lahat ng mga government at school buildings para matiyak ang kaligtasan ng lahat.
“The tremor was felt at a “strong” Intensity 5 in Sarangani and Don Marcelino in Davao Occidental; Kiamba and Malungon in Sarangani, and the City of Digos in Davao del Sur,” ayon sa ulat ng Phivolcs na ipinarating sa OCD.
Sa ganitong kalakas na intensity ay mararamdaman ang malakas na pag-uga sa mga gusali ang mga nakasabit na bagay ay uugoy ng malakas, pahayag pa ng Phivolcs.
Naramdaman ang Intensity 4 sa City of General Santos, City of Koronadal, Tupi, T’Boli at Polomolok sa South Cotabato; Jose Abad Santos sa Davao Occidental; Palimbang at Esperanza sa Sultan Kudarat.














