NAMAGITAN ang International Committee of the Red Cross para sa pagpapalaya sa tatlong Israeli habang may 174 na Palestinian detainees at nakabalik na sa kanilang mga lugar.
Muli sa kanilang ikalimang humanitarian mission ay ligtas na napalaya nitong nakalipas na linggo ang tatlong bihag ng Hamas na Israeli mula sa Gaza patungo sa Israel.
Sa ligtas na pamamagitan ng ICRC ay tuluyang nakalaya ang 174 Palestino na detenido mula sa mga facilities ng Israel sa Gaza at West Bank ang nakabalik.
Ang ICRC ay nagsisilbi ngayong tulay at siyang nangangasiwa sa operasyon ng pagpapalaya.
Ayon sa pahayag ng ICRC, kanilang hinihimok ang lahat ng partido, kabilang ang mga tagapamagitan, na maging responsable upang matiyak na ang mga pagpapalabas ng mga detainnees sa hinaharap ay marangal at pribado. Ang ICRC ay patuloy na ipinarating ang mensaheng ito, pribado man o publiko.
Sa panahon ng pagpapalaya, ang mga kawani ng ICRC, kabilang ang mga doktor, ay tinitiyak na mapagkakalooban ng kanilang mga pangangalagang medikal at iba pang suporta ang mga naging bihag kung kinakailangan.
Napag-alamang sumasailalim muna sa paunang panayam ang mga dating bihag bago pa man maibabalik sa bawat pamilya ng mga pinalaya upang masuri ang kanilang kalusugan at kakayahan para sa paglalakbay.
Dagdag pa ng ICRC na nakahanda silang pangasiwaan ang karagdagang pagpapalaya bilang isang humanitarian intermediary sa mga darating na araw at linggo. Ang kasunduan sa tigil-putukan ay dapat manatili upang mas maraming pagpapalaya ang maaaring maganap at mas maraming tulong ang makapasok sa Gaza.
Ang ICRC, kasama ang Red Cross at Red Crescent Movement, ay nagtatrabaho mula pa noong ika-19 ng Enero upang ipagpatuloy ang paghahatid ng humanitarian services na tulong tulad ng tirahan, pagkain at mga materyales, upang makatulong sa pagkukumpuni at pagsuporta sa mga kritikal na imprastraktura tulad ng supply ng tubig.
Samantala, kinumpirma naman ng Department of Migrant Workers (DMW)-Migrant Workers’ Office na malaking bilang ng Pinoy repatriates mula Lebanon ang nakatakdang umuwi ng bansa.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East at ayon sa DMW, ilang batch ang mauunang darating sa bansa ngayong linggong ito.kabilang sa darating sa bansa ang 52 Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang dependent.
Ngayong Martesm February 11, umaabot sa 79 OFWs at walong dependents naman ang darating sa bansa.
Sila ay pawang pansamantalang nanirahan sa shelter sa Beirut matapos na ilikas sa kasagsagan ng kaguluhan.