Latest News

DAHIL SA EXTREME HEAT INDEX, LIGHT UNIFORM, INIREREKOMENDA SA PNP, BJMP AT BFP

By: Victor Baldemor Ruiz

UPANG mabawasan ang nararanasang hirap ng mga uniformed personnel na nasa ilalim ng Department of Interior and Local Government ay inirerekomenda ang pagsusuot ng ‘light uniform’ sa mga kasapi ng tri-bureau personnel

Para maging komportable ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection ay pinapayagan ni SILG Benhur Abalos na magsuot ng ‘comfortable uniforms’ ang mga tauhan ng mga nabanggit na kawanihan upang gumaan ang kanilang ‘working conditions’ sa gitna ng tumataas na heat index sa buong bansa.


Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, “the welfare of our uniformed personnel comes first especially as they perform their sworn duty. Kaya sa gitna ng sobrang init sa ating bansa, wearing of light and comfortable uniforms is the way to go.”

Ang kautusang ito ay inilabas sa pamamagitan ng isang urgent memorandum na naka-address kina PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, BFP Director Louie Puracan at BJMP Chief Ruel Rivera.

Maaari nang magsuot ng light uniforms sa kanilang mga trabaho ang mga tauhan ng PNP , BJMP AT BFP dahil sa matinding init ng panahon upang mas guminhawa ang ‘working conditions’ ng naturang mga uniformed personnel sa gitna ng mataas na heat index na nararanasan, dulot ng El Niño phenomenon.


“The tri-bureau’s line of work already poses a lot of risks, now coupled with the hazards of extreme heat temperature kaya kailangan din natin protektahan ang ating uniformed personnel from the PNP, BFP and BJMP,” ani Abalos.

Kung maaalala, una nang nagbabala ang PAGASA hinggil sa mga banta na maaaring idulot ng dangerous heat index sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na posible pang magtagal hanggang sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.


Tags: SILG Benhur Abalos

You May Also Like