Latest News

DAHIL KAY DUTERTE, LUMAKAS ANG KAMPANYA KONTRA DROGA

Inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva.

Ayon kay Villanueva , hindi naging mas malakas ang pambansang kampanya laban sa iligal na droga kung hindi dahil sa pagpasok ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. ,

Kasabay ng malawakang pagtanggap at pagkilala ng mga lokal at internasyonal na komunidad, kasama ang mga batikos.


Sa ginanap na Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na ang mga pagkamatay ay resulta ng marahas na aksyon ng mga drug personality laban sa anti-narcotics authority sa panahon ng legal na pag-aresto.

Hinamon niya ang mga kritiko ng drug war ng gobyerno na imbestigahan at tanungin ang mga tao “kung kaninong domiciles ang nabibilang sa mga drug-cleared barangay kung ano ang kanilang tinatamasa ngayon.


Nanawagan din si Director General Wilkins Villanueva sa paparating na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na lalo pang palakasin ang nasimulang “war on drugs” ng Duterte administration.

Ipinagmalaki ni Villanueva, naging positibo ang naidulot ng anti-drug campaign sa pagbawas ng krimen sa Pilipinas.


“Ipagpatuloy, kung hindi, mas palakasin, mas paigtingin ang ating kampanya kontra iligal na droga. Dahil itong kampanya natin sa iligal na droga, ito ‘yong pinaka-foundation kung ano ang magiging resulta ng peace and order ng ating bansa,” dagdag pa ng opisyal

Sa kanyang report ng mga nagawa ng PDEA sa drug war, sinabi ni Villanueva na bumaba ang crime rate ng bansa mula 45% noong 2016 sa 26 porsyento ngayong 2022.

Pero aminado si Villanueva na hindi natupad sa panahong ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 6 na buwan ang pagsugpo sa droga. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva

You May Also Like

Most Read