Latest News

Dagdag parusa sa mga di lumalahok sa debate, pag-uusapan ng Comelec

PINAG-AARALAN na ng Commission on Elections(Comelec) kung ano pa ang maaring ipataw na parusa sa mga kandidato sa pagka-Pangulo at pagka- Bise Presidente na hindi lumalahok sa debate.

“Sa Miyerkoles, pag-uusapan pa namin ano pa ang pupuwede nating maipatupad na sanction na medyo mas mabigat, na hindi naman nagva-violate sa mga umiiral na batas natin at sa karapatan ng mga kandidato,”ayon kay Comelec Commissioner George Garcia.

Ang pahayag ay ginawa ni Garcia kasunod ng panawagan n Paritido Lakas ng Masa vice presidential candidate Walden Bello sa Comelec na parusahan si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. matapos na ang UniTeam tandem ay di na naman dumalo sa debate nitong weekend.


“Kung meron lamang po ‘yang batas, tapos may nagsasabi na kapag hindi um-attend eto ang parusa, disqualification by election offense, maniwala po kayo sa amin, hindi po tayo magdadalawang-isip. Ipapatupad po natin ‘yan,” ani Garcia.

Sa susunod na halalan ,sinabi ni Garcia dapat.na ang mga kandidato ay lumagda sa agreement na lagi silang lalahok sa mga events na ino-organisa ng Comelec.

“Kung ano man ang ipapatawag ng Comelec, pa-meeting man ‘yan, pa-debate man ‘yan, they commit that they will abide and follow and will always participate in all the patawags of the Comelec,” dagdag ni Garcia.

Nanawagan naman si Garcia sa publiko na sa halip ay mag -focus na lamang sa mga kandidato na lumahok sa event kesa hanapin ang mga wala. (Philip Reyes)


Tags:

You May Also Like

Most Read