PINAYAGAN na “in principle” ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang panukalang pagkalooban ng karagdagang honoraria ang mga poll workers na nag-overtime nitong natapos na halalan noong Mayo 9 sa bansa.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia na napag-usapan na nila sa Comelec en banc ang pagkakaloob ng karagdagang honoraria sa mga guro at support staff na naitalaga sa mga presinto kung saan nagkaroon ng aberya ang mga vote counting machines (VCMs) at SD cards.
“Approved na po ‘yan in principle. Napag-usapan na po ng en banc kahapon ‘yan,” ayon pa kay Garcia.
Inaalam na lang umano sa ngayon ay kung anu-ano at saan nagkaroon ng sira o diperensya ang mga voting counting machines(VCMs) dahilan kaya pinalawig pa ang oras ng pagseserbisyo ang mga guro at electoral board members sa mga presinto.
Magugunita na sinabi ni Garcia nitong Linggo na nasa P20 milyong budget ang ilalaan nila para sa karagdagang honoraria.(Jaymel Manuel)
Habang sinabi naman ni Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na ang ispesipikong halaga ay ibabase sa accounting at auditing rules.














