Dagdag holiday sa 2023

Magkakaroon ng karagdagang holidays at nagkaroon rin ng adjustment sa iba pang non-working days para sa taong 2023.

Napag-alamang inamiyendahan ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr. , ang Proclamation no.42 kung saan sa Proclamation No.90 ay idineklara ang Enero 2,2023 bilang special non-working day habang ang Abril 10 at Nobyembre 27, 2023 ay ikinukunsidera na bilang regular holidays.


“There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country,” ayon kay Marcos .

Sinabi pa ni Marcos na ang New Year’s Day sa 2023 ay pumalo ng Linggo kaya idineklara na ang Enero 2 ay idinagdag na bilang special non-working day sa buong bansa.

Nabatid na ang Araw ng Kagitingan (Abril 9) ay tumapat rin ng Linggo.


“To enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend, Monday, April 10, 2023, in lieu of Sunday, April 9, 2023 may be declared as a non-working holiday, provided that the historical significance of Araw ng Kagitingan is maintained,” paliwanag ni Marcos.

Gayundin, ang Bonifacio Day, na ginugunita tuwing Nobyembre 30 na tumapat sa Huwebes sa 2023, ay idineklarang working day.


Samantala,ang ibang holidays idineklara sa ilalim ng Proclamation 42 ay mananatiling hindi babaguhin,balido at iiral. (Jaymel Manuel)


Tags: Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

You May Also Like

Most Read