Dagdag-buwis sa junk foods at matatamis na inumin, dagdagan — DOH

Humihingi ng karagdagang buwis ang Department of Health (DOH) sa sweetened beverages, junk food at “nonstaple” food.

Ayon sa kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, layunin nito na ma-kontrol ang obesity sa bansa.

Una nang nakatanggap ng P155 bilyon sin taxes ang DOH mula sa tobacco at alcohol kung saan ang paghingi ng buwis ay bahagi ng istratehiya ng ahensiya para ma-regulate ang lifestyle -related risk factor.


“The [lifestyle-related] risk factors in the country are high—there is smoking, alcohol intake—and so now, we will [urge that] sweetened beverages and junk food be added [in the law],” ani Vergeire.

Kabilang sa mga sakit na maaring idulot sa pagkain, pag-inom at paninigarilyo ay ang heart disease, hypertension, diabetes at cancer.

Ayon kay Vergeire ,ang obese na indibiduwal ay nanatili sa uptrend mula 31% ng populasyon niong 2015 na naging 37% noong 2018 .

“This is already a public health concern because we know that they are at high risk to develop these diseases,” ayon kay Vergeire.


Ang Republic Act No. 10351, o ang Sin Tax Reform Act of 2012, ay naging daan para bumaba ang naninigarilyo na Pilipino mula 31% ng populasyon na naging 20% noong 2019.

Pinag-aaralan umano ng DOH ang halaga ng ipapanukalang excise tax sa mga sweetened drinks at junk food para sa implementasyon ng Universal Health Care Law, na nilagdaan noong 2019.

Nabatid na ngayong taon, 59% ng ng budget ng DOH ay galing sa sin tax collection.

Bukod sa inamiyendahan na sin tax law, ipinanukala ng DOH na iprayoridad ang legislation pata sa health sector gaya ng Philippine Center for Disease and Prevention Control, Public Health Emergencies and Emerging and Re-emerging Diseases Response Act, e-Health System and Services Act, Drugs and Medicines Price Regulation Act at salary standardization for Human Resources for Health Network. (Jaymel Manuel)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read