Makikipag-usap si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa European Business Executives sa Brussels sa susunod na linggo para makakuha ng daan-daang trabaho para sa mga Pilipino.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) assistant secretary Daniel Espiritu na inaasahang magkakaroon ng roundtable meeting si Pangulong Marcos sa mga European Firms upang pag-usapan ang business at investment opportunities sa bansa.
Gayundin, makikipagpulong umano si Marcos sa mga opisyal mula sa Unilever na nagnanais na palawakin ang operasyon nito sa Cavite.
Kasama rin sa pulong ang Acciona, isang kumpanya ng imprastraktura at renewable energy.
Inaasahan na magbibigay rin si Marcos ng kanyang speech sa 10th ASEAN-EU Business Summit na gagawin sa Disyembre 13. (Jantzen Tan)